Yayamanin! Ang pinagmulan ng mga milyones ni Stephen Curry
- Kilalang-kilala si Stephen Curry bilang star player ng Golden State Warriors
- Siya rin ay hinirang bilang two-time MVP sa NBA
- Kaya naman sobra sobra na lang ang yaman nito ngayon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isa na nga ang two-time MVP na si Stephen Curry sa mga mayayamang athletes ngayon. Ang Golden State Warriors star player ay pang-8 sa highest paid athletes ayon sa Forbes.
Si Curry ay 30 years old at ang kanyang asawa ay si Ayesha Curry. Ang mga anak naman nila ay sina Riley, Ryan at Canon Curry.
Nalaman ng KAMI na umabot ng $76.9 million ang kinita ni Curry sa NBA Season 2017-2018. Naging triple ang sweldo niya mula $12.1 million last year kumpara sa $34.9 million niyang kita ngayon.
Pero, anu-ano nga ba ang mga pinagmumulan talaga ng mga kayamanan niya bukod sa paglalaro ng basketball?
Marami ring endorsements si Curry kung saan kumikita naman siya ng $43 million dito. Pumirma rin ng $200 million contract sa NBA si Curry kamakailan lang.
Ilan na nga sa endorsements niya ang:
Under Armour

Source: Facebook
Base sa report ng Business Insider, posible raw umabot ng $14 billion ang kikitain ni Curry kung patuloy ang kanyang magaling na performance sa NBA.
Naiulat nga ng KAMI noon na bumalik ng Pilipinas si Curry para sa kanyang Asia tour para i-promote ang kanyang bagong sapatos sa Under Armour.
Chase
Noong 2016 nga ay pumirma ng multiyear deal si Currry sa JP Morgan Chase, isang investment banking company.
Vivo
Naging endorser na rin ng Vivo, isang China owned cellphone company si Curry.
Unilever/Degree Deodorant
Nag-renew naman ng kontrata si Curry sa Degree Deodorant noong 2015.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
eHi
Inendorse din ni Curry ang eHi, isang car service.
Nissan/Infiniti
Kinuha na rin ng Infinit si Curry upang i-endorse ang 2018 Q50 ngayong 2018.
“Infiniti is a brand that I've known and admired because of its strong heritage of performance, design and groundbreaking technologies,” sabi ni Curry.
Brita
Pumirma rin ng kontrata si Curry sa Brita, isang filtration company. Naging tampok din ang kanyang naging commercial dito.
JBL

Source: Facebook
Simula pa lang noong 2015 ay endorser na rin ng JBL si Curry. Ang JBL ay kilala sa kanilang mga speakers, earphones at headphones.
Ito naman ang mga business ni Curry:
Ayon sa report ng Bloomberg Businessweek, may maliit na stake si Curry sa Pintertest.

Source: Facebook
Mayroon ding marketing company si Curry na Slyce. Kapartner niya rito si Bryant Barr, ang dati niyang teammate sa Davidson College.
Nag-invest din daw si Curry sa CoachUp, kung saan pwedeng magkaroon ng one-on-one training ang mga student-athletes sa mga bigating coach.
Kahit na sobrang yaman, marami ring charity si Curry. Ilan na nga dito ang Animal Rescue Foundation, NBA Cares, Nothing But Nets at United Nations Foundations.
Part din ng Call Your Shot si Curry na nagsusulong para mapunan ang problema sa Malaria. Nag-donate rin si Curry ng $100,00 sa mga nasalanta ni Hurricane Harvey noong 2017.
Napili rin ni Curry ang Los Angeles’ Brotherhood Crusade nilang charity noong NBA All-Star weekend kung saan nagdonate ang NBA ng $150 million para dito.
POPULAR: Read more news about Stephen Curry here!
Ukay-Ukay (Bargain Store) Challenge is already in the Philippines! You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Our host will have only 200 pesos and 15 minutes to make a purchase in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh