Vanessa Raval, umalma sa mga nakiki-"Marites" sa kanyang post
- Binaggit ni Vanessa Raval ang mga taong aniya ay nakiki tsismis na lang sa post niya
- Aniya, porke nabitin ang mga ito sa kanyang mga ibinunyag ay todo bash na ang mga ito sa kanya
- Ang tinutukoy niya ay ang kanyang pag-iwas na magbanggit ng pangalan kaugnay sa rapper na kanyang binatikos kamakailan
- Kinalaunan ay pinangalanan niya ito at sinabing si "Haring Manggi" ang kanyang tinutukoy na nangungulit sa kanya sa chat
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Vanessa Raval, itong mga nakiki-tsismis sa kanyang post ay todo bash agad sa kanya dahil lang nabitin sa tsismis. Ang tinutukoy niya ay ang kanyang pag-iwas na magbanggit ng pangalan kaugnay sa rapper na kanyang binatikos kamakailan.

Source: Facebook
Sa isang video kung saan direstahan niyang sinabing si "Haring Manggi" umano ang kanyang tinutukoy na nangungulit sa kanya sa chat, nabanggit niya rin ang tungkol sa natanggap na pambabatikos.
Kayo naman, mga tsismosa kayo. Kayo na nga lang yung nakikitsismis, porke’t nabibitin kayo sa mga tsismis e todo bash na kayo.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Vanessa Raval ay anak ng dating action star na si Jeric Raval. Kilala siya sa kanyang mga social media content at sa kanyang pagiging prangka sa mga inilalabas niyang komento at reaksiyon. Mayroon na ring daang libong followers ang kanyang iba't-ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.
Nagsalita na si Vanessa kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post sa Facebook. Muli niyang pinabulaanan na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post. Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan. Sinabi niyang hindi porke't sinabi niyang pangit at babaerong rapper eh si Skusta Clee agad ang tinutukoy niya.
Matatandaang inalmahan ni Vanessa ang mga nangbabatikos sa kanya dahil sa pagtanggi niyang sabihin kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, noong nag-name drop siya ay marami siyang kinaharap ngunit wala namang tumulong sa kanya. Dagdag pa niya, hindi madali ang magka-record at masisira ang buhay niya kaya mas pinili niyang huwag nang magbanggit ng pangalan. Matapos kasi ang pag-trending ng kanyang post, marami ang nag-udyok sa kanya kabilang na si Skusta Clee na pangalanan kung sino ang ka-chat niya.
Source: KAMI.com.gh